Ilang kumpanya ng langis una nang nagpatupad ng oil price rollback

0
29

Aarangkada na ngayong linggo ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng mga kumpanya ng Shell, Seaoil at Cleanfuel, magkakaltas sila ng P1.70 sa kada litro ng diesel.

Magtatapyas rin ang Shell at Seaoil ng P1.65 sa kada litro ng kerosene.

Mababawasan naman ng P0.90 sa gasolina ng Cleanfuel at Seaoil, habang P0.85 sa Shell.

Epektibo ang rollback ng Seaoil ngayong araw ng Lunes, Enero 20, at susundan ng kumpanya ng Shell na magpapatupad sa Martes, Enero 21.

Samantala, sinimulan na ang oil price rollback ng Cleanfuel kahapon, Enero 19.