Ilang kongresista inaasahan na ang pagpapatalsik kay Robredo sa ICAD

0
15

Hindi na ikinagulat ng mga oposisyong kongresista ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kina Albay Representative Edcel Lagman at Bayan Muna Representative Carlos Zarate, kanila nang inaasahan ang pagpapatalsik kay VP Robredo bilang co-chair ng ICAD dahil una palang ay plano nang palabasin ng pamahalaan na palpak ang Bise Presidente.

Dagdag pa nila rito, nagkamali rin si Robredo sa pagseseryoso nito sa kanyang papel bilang anti-drug czar dahil biro lang para sa Pangulo ang pagkakatalaga nito sa kanya.

Samantala, nagbabala naman si Zarate sa publiko na maging alerto at mag-matyag sa mas malalang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.