Saturday, May 18, 2024

Ilang hospital nakatanggap ng milyon-milyong pondo mula sa PhilHealth sa ilalim ng IRM

- Advertisement -

Iginiit ni PhilHealth Legal Counsel Roberto Labe na hindi naubos ang pondo ng ahensya dahil sa umano’y kurapsyon.

Ayon kay Labe, nakatanggap ng pinakamalaking pondo mula sa PhilHealth ang ilang rehiyon at ospital sa ilalim ng interim reimbursement mechanism (IRM).

Batay sa ipinakitang presentasyon ni Labe, lumitaw na ang Southern Philippines Medical Center sa Davao City ang nakatanggap ng pinakamalaking kumpensasyon mula sa kwestyonableng IRM program ng PhilHealth kung saan nakakuha ito ng PHP326 million.

Sinundan naman ito ng Philippine General Hospital na mayroong PHP263.3 million at ang Davao Regional Medical Center na mayroong PHP209 million.

Nakakuha naman ng PHP204 million ang Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City habang PHP201 million naman para sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando Pampanga.

Ayon kay Labe ang distribusyon ng pondo mula sa IRM ay alinsunod sa dami ng kaso ng COVID-19 sa bawat lugar.

Matatandaang batay sa alegasyon ng witness na si Board Member Alejandro Cabading na mayroong palakasan o favoritism sa pamamahagi ng IRM fund.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -