Saturday, May 4, 2024

Ilang customers ng Manila Water nagreklamo dahil sa tumaas na water bill

- Advertisement -

Inirereklamo ng ilang mga customers ng Manila Water ang biglang paglobo ng kanilang mga water bill sa kabila ng naranasang kawalan ng suplay noong nakaraang buwan.

Batay sa Facebook post ng ilang mga customers ng Manila Water, mahigit pa sa isang daang porsyento ang itinaas ng kanilang mga water bills.

Samantala, sinabi naman ni Manila Water Communications Manager Ditti Galang na nakatatanggap sila ng reklamo kaugnya ng mga lumobong water bill mula sa kanilang mga customers.

Gayunman, kanila itong itinuturing bilang mga isolated complaints.

Binigyang diin ni galang na nakabatay ang mga bill sa actual reading ng mga metro.

Posible aniyang ang mataas na billing ng ilan sa kanilang mga customers ay bunsod ng mga nakaiwang bukas na gripo sa kasagsagan ng water service interruption at hindi naisasara agad sa oras na bumalik na ang suplay.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img