Ilang alkalde, barangay captains maghaharap sa imbestigasyon ukol sa distribusyon ng SAP

0
18

Pahaharapin sa imbestigasyon ng kongreso ang ilang alkalde at barangay captains upang magbigay linaw sa distribusyon ng social amelioration fund.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran, ipagpapatuloy nila sa Lunes ang nasimulang imbestigasyon sa mga natanggap nilang reklamo sa distribusyon ng SAP at kung bakit napakabagal ng sinusunod na proseso.

Binigyang diin ni Taduran na parang dalawang beses na napagnakawan ang mga benepisyaryo ng SAP dahil nawalan na ng trabaho ay hindi pa nabiyayaan ng ayuda.

Tiniyak ni Taduran na tutukuyin sa imbestigasyon ang mga sangkot sa anomalya sa SAP distribution upang mapapanagot ang mga ito.

Kasi nakita naman talaga natin ang nangyaring pagbibigay ng cash assistance na ito, na kumbaga selective diba, yung mga kakilala, kamag-anak, at the same time yung mga deserving tuloy hindi nakatanggap at kung may nakatanggap naman ng ayuda hindi pa kumpleto,” ani Taduran. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.