Ilang aktibidad posibleng ipagbawal na sa pagbubukas muli ng Boracay

0
55

Maaaring ipagbawal na sa Boracay ang ilang mga aktibidad na nakasanayan nang ginagawa sa isla gaya ng pagkakaroon ng fire dancers at pagtatayo ng mga sandcastle.

Ito ay kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng Boracay Island sa October 15 matapos sumailalim sa rehabilitasyon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, layon nitong mabura ang imahe ng Boracay bilang isang party island.

Nilinaw naman ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na panukala pa lamang ang posibleng pagbabawal sa mga sandcastle dahil ayon aniya sa pag-aaral ay nakapagdudulot ito ng soil erosion.

Samantala, posible ring ipagbawal ang fire dancers para mapangalagaan ang puting buhangin ng isla.

Payo ni Antiporda, sa halip na apoy at gas, mainam kung gumamit na lamang ang mga firce dancers ng LED.

—-