30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Ilan pang mga dormitory binuksan para sa mga COVID-19 frontliners

- Advertisement -

Nagbukas pa ng mga panibagong dormitory ang Office of the Vice President (OVP) para sa mga healthcare workers at iba pang mga frontliners kasunod ng nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Vice President Leni Robredo, matatagpuan ang dorm nine sa Novaliches, Quezon City.

Mananatili umanong bukas ang mga dormitoryong ito para sa mga health workers, medical practitioners at iba pang frontliners tulad ng security guards, at mga volunteers na tumutulong malabanan ang COVID-19.

Malapit umano ang dorm nine sa Commonwealth Hospital, Medical Center, Far Eastern University Hospital-Marian Medical Arts Building, at sa Neopolitan General Hospital.

Bilang pagtalima sa social distancing measures, ipatutupad sa dorm na ito ang first come, first served basis dahil narin sa limitado nitong espasyo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -