Ikatlong extension ng martial law posibleng aprubahan na ni Pangulong Duterte

0
48

Posibleng aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikatlong extension ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, buong buo ang kumpiyansa ng pangulo sa rekomendasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police dahil sila mismo ang nasa ground.

Aniya, pinag aralan din ng pangulo ang naging rekomendasyon hanggang sa sinangayunan din niya ito.

Sa kabila nito, binigyang diin ni Panelo na desisyon pa rin ng kongreso kung pagbibigyan ang pagpapalawig sa batas militar sa Mindanao.