Ikalawang araw ng pagpa-file ng COC naging matumal ayon sa COMELEC

0
72

Tila matumal mula sa mga nagpa file ng COC o Certificate of Candidacy ang ikalawang araw nito kahapon.

Ipinabatid ito ng COMELEC kumpara sa unang araw ng filing ng COC noong Huwebes.

Kahapon ay sampu lamang ang naghain ng COC sa pagka senador kumpara sa 27 sa unang araw ng COC filing.

Para naman sa mga partylist candidate, mula sa 18 noong Huwebes, 12 lamang kahapon ang naghain ng kanilang certificates of nomination and certificates of acceptance.

Sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez na posibleng dumagsa sa susunod na linggo ang mga magpa file ng COC lalo na’t kadalasan naman ay sa mga huling araw naitatala ang pinakamalaking bilang ng filers.

Kabilang sa mga naghain kahapon ng COC para sa pagka senador sina Senador Nancy Binay, Atty. Larry Gadon at dating PNP Chief ngayo’y BuCor Chief Ronald Dela Rosa.