Ika-limang SONA ni Duterte simple ngunit komplikado —Bernal

0
11

Simple ngunit komplikado isinalarawan ng direktor na si Joyce Bernal ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Bernal, naging kumplikado ang SONA ngayong taon sa aspetong teknikal dahil mga pagbabagong ipatutupad upang matiyak na masusunod ang mga quarantine protocol.

Una rito, bumisita na si Bernal sa Batasang Pambansa kahapon upang paghandaan na ang SONA sa Lunes.

Sa ikatlong pagkakataon, si Bernal muli ang napiling mag-direk ng SONA ng pangulo ngayong taon.