Ika-apat na free COVID-19 testing site sa Maynila bubuksan na

0
17

Bubuksan na ang ika-apat na site para sa libreng coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ilalagay nila ito sa may Ospital ng Tondo.

Ang naunang tatlong libreng COVID-19 testing ay sa Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center at Justice Jose Abad Santos General Hospital. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)