Ika-4th SONA ni Pangulong Duterte kapana-panabik ayon sa Malakanyang

0
39

“The best is yet to come”.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa ikatlong SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na exciting o magiging kapana panabik ang SONA ng pangulo na isa ring exciting leader.

Tututukan aniya ng pangulo sa natitirang huling tatlong taon nito ang pag repaso sa Foreign Investment Act, Retail Trade Act, Public Security Act, rehabilitation centers at usapin sa out of school youth.

Sinabi naman ni PCOO Secretary Martin Andanar na may alas si Direk Joyce Bernal sa SONA ng pangulo at tiyak na may sorpresa ito sa taumbayan sa July 22.

Binigyang diin pa ni Panelo na kahit marami nang nagawa ang pangulo, hindi pa rin ito magpapa kampante sa pagta trabaho.

Tiwala rin si Panelo na maraming legislative agenda ang maipapasa sa 18th Congress lalot marami sa mga uupong opisyal ay mga kaalyado ni Pangulong Duterte.