Ika-27 petisyon kontra Anti-Terror Law inihain sa SC

0
27

Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga inihahaing petisyon laban sa kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

Ito ay matapos na sumampa sa kabuuang 27 ang bilang ng mga petisyon laban sa Anti-Terror Act matapos na mag sumite ang Lawyer’s Advocacy Group na Center Law ng petisyon sa Korte Suprema upang ideklarang unconstitutional ang naturang batas.

Sa petisyong isinumite ng Center Law kasama ang vera files, foundation for media alternatives kanilang hinihiling sa Korte Suprema ang pag i-isyu ng TRO o temporary restraining order laban sa Anti-Terror Law.

Sa kanila ring petisyon, kinikilala rin ng grupo ang panganib ng terorismo ngunit labag anila sa saligang batas ang ipinasang anti-terrorism.