Monday, May 6, 2024

IBP tinanggihan ang kahilingan na free legal assistance ni alyas ‘Bikoy’

- Advertisement -

Tinanggihan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang kahilingan ni Peter Joemel Advincula alias Bikoy na mabigyan ng libreng legal assistance.

Ayon sa National Center for Legal Aid (NCLA) ng IBP, nagpasya silang tanggihan si alias Bikoy matapos nilang pag aralan ang kanyang application.

Lumabas anila sa kanilang pag-aaral na hindi maaring bigyan ng libreng legal assistance si alias Bikoy batay na rin sa panuntunan na nakasaad sa NCLA Manual of Operations.

Gayunman, tiniyak ng NCLA na mananatiling confidential ang lahat ng pahayag at dokumentong ipinakita ni alias Bikoy nuong kumunsulta ito sa kanilang tanggapan.

Si alias Bikoy ay lumapit sa IBP upang humingi ng tulong na makasuhan ang mga personalidad na sinasabi nyang sangkot sa illegal drug syndicate.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img