25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Iba’t ibang klaseng Armas ng NPA, natagpuan sa probinsiya ng Mountain Province

- Advertisement -

(Baguio City-Isang dating kasapi ng New People’s Army (NPA) nakilala bilang si alias Dennis, na kapanalig ng Komiteng Larangang Guerrilla Abra-Mt. Province-Ilocos Sur na Communistang Terroristang Group (CTG), ang kusang sumuko sa may kapangyarihan noong Mayo 2022 ang nagturo sa pinagtataguan ng mga armas ng mga NPA sa Sitio Mabito, Brgy Mainit, Bontoc, Mountain Province noong Mierkoles, Abril 12, 2023.

Dahil sa nasabing ulat, nagtulong tulong ang mga tauhan ng Philippine Army at ng Mt. Province Provincial Police Office ang agad nagtungo sa nasabing lugar. Nakakuha nila ang isang M16 rifle 5.56mm M16A1; isang M16 rifle 5.56 (COLT); at 20 piraso ng 5.56mm live ammunition.

Natuwa si Major General Andrew D. Costelo, ang komander ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, Philippine Army sa patuloy na pakikipagtulungan ni alias “Dennis” na ibinilang nito na tigapagtaguyod ng kaayusan at kapayapaan.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo Credit to 7th infantry Division PA

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -