Iba’t-ibang grupo nagmartsa sa Maynila kaugnay sa ika-47 anniversary ng protesta sa Martial Law

0
19

Nagmartsa ang iba’t ibang grupo mula Espanya patungong Mendiola sa lungsod ng Maynila para ipagdaos ang ika-47 anibersaryo ng pagprotesta sa martial law.

Kabilang sa mga nakiisa ay ang grupo ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) kung saan isinisigaw ang pagkapareho ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Dating Presidente Marcos.

Dagdag pa rito, ang ilang miyembro ng militanteng grupo ay may bitbit na mga bandera kung saan nakasulat ang “Marcos Duterte walang pinag kaiba, parehong tuta, diktador at pasista”.