33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

IATF: Suportado ang testing center ng Marikina vs. COVID-19

- Advertisement -

Suportado Ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang testing center ng Marikina City Government.

Ayon ito mismo kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na nagsabing inabisuhan ng IATF ang Department of Health (DOH) para pabilisin ang accreditation ng nasabing testing facility na kailangang kailangan na.

Binigyang diin  ni Teodoro na kapag naaprubahan na ang nasabing testing center magiging bahagi na rin ito ng testing facilities na magsasagawa ng mass testing base na rin sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagpasalamat naman si Teodoro sa pagsuporta ng IATF sa nasabing testing facility na para talaga sa mga mahihirap na Pilipinong walang pambayad para sumalang lamang sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test.

Ipinabatid ni Teodoro na sumasailalim na ang laboratory technicians at medical technologists sa level 2 training upang matiyak ang kaligtasan ng mga staff at ang komunidad. Ulat mula kay — Jaymark Dagala (Patrol 9)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -