IATF inirekumenda na dagdagan pa ang benepisyaryo ng SAP

0
23

Inirerekumenda ng Inter Agency Task Force (IATF) na dagdagan pa ang bilang ng mga benepisyaryo sa ilalim ng special amelioration program (SAP).

Ayon kay IATF at Presidential Spokesman Harry Roque, mula sa dating 18-M pamilya ay nais ng IATF na gawing 23-M pamilya na ang benepisyaryo ng nabanggit na programa ng pamahalaan.

Sa ilalim ng social amelioration program, makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 ang mga mahihirap na pamilyang apektado dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Roque, batid ng IATF na maraming pamilya sa ngayon ang nangangailangang makatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan lalo na’t marami ang naapektuhan sa umiiral na enhanced community quarantine.