Hybrid budgeting system isinusulong sa Kamara

0
41

Isinusulong sa kamara ang hybrid budgeting system para sa 2020 national budget at maaaring gamitin ang cash based budgeting at obligation based budgeting.

Ayon kay Congressman Antonio Albano, mas magandang gamitin ang cash-based budgeting system subalit hindi naman maaaring ipatupad ng buo dahil sa panganib ng anomalya.

Sa pamamagitan naman ng obligated budgeting system, sinabi ni Albano na maaaring obligahin ang Department of Budget and Management (DBM) na ipalabas ang itatakdang pondo ng Department of Finance (DOF), National Economic and Development Authority (NEDA) at Bangko Sentral ng Pilipinas kahit hindi pa nakikita ang actual proposed budget para sa susunod na taon.

Saka na lamang aniya papasok ang cash based budgeting kung mayroon pang performance allocation ng mga proyekto ng bawat Local Government Units (LGUs) at ahensya ng gobyerno at maaaring magamit ang 80% ng cash mula sa allocated budget sa ibang mga  proyekto na mas mabilis ang performance.

Ipinabatid pa ni Albano na kung dati ay kada quarter ang pagpapalabas ng budget para sa mga proyekto kahit hindi pa natatapos ngayon at contractor na umano ang mauunang magsimula ng proyekto bago bayaran ng pamahalaan.

Inihayag pa ni Albano na makatuwiran din ang cash-based o performance-based budget dahil mapipilitan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na gumawa ng magagandang proyekto para mabigyan ng pondo at tatapyasan naman ng pondo ang mga nakalinyang proyekto na hindi natutupad at hindi umuusad.