Huwag mag-panic buying: Ito ang apela ng Palasyo sa publiko

0
21

Umaapela ang Palasyo sa publiko na huwag mag panic buying.

Kasunod na rin ito nang pagsasailim muli sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan simula ngayong araw na ito.

Tiniyak ni Presidential Spokesman Harry Roque na sapat ang supply ng pagkain sa mga grocery at palengke.

Localized lockdown lang naman aniya ang ipatutupad sa ilang lugar

Binigyang diin ni Roque na ang MECQ ay tugon lamang ng gobyerno sa panawagan ng frontliners na magkaruon muna sila ng break dahil sa pagtaas ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).