Human Security Act napapanahon nang amyendahan – AFP spox

0
43

Napapanahon na upang amyendahan ang Human Security Act of 2007 o ang Republic Act 9372.

Ito’y ayon kay AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo, kung saan iminungkahi nito na gawing anti-terror law ang naturang batas.

Ani Arevalo, may mga probisyon sa batas na dapat na dapat na baguhin.

Kabilang aniya dito ang pagpapataw ng kalahating milyong piso sa mga arresting officers, sa oras na mapatunayang inosente ang isang indibidwal na kinasuhan ng terorismo.

Nais ni Arevalo na tanggalin ang probisyon na nagtatakda ng tatlong araw na pagkakakulong sa isang suspek na sangkot sa terorismo.

Aniya, kulang ang tatlong araw upang maberipika at masusing pag-aralan ang mga impormasyon patungkol sa background o aktibidad ng suspek.

Sa ngayon, inamin rin ni Arevalo na kailangang makontrol ang paggamit ng mga recruiter sa social media na ginagamit na instrumento sa papurihan ang terorismo.

with report from Aya Yupangco (Patrol 5)