Tuloy ang dry run ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa high occupancy vehicle o HOV lane kung saan bawal sa EDSA ang sasakyan na driver lamang ang sakay.
Ayon kay Colonel Bong Nebrija, Special Operations Task Force Commander ng MMDA, ang Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila ang magpapasya sa resolusyon ng Senado na ihinto ang HOV.
Sinabi ni Nebrija na naniniwala silang mas makikita kung masama o hindi ang resulta ng HOV kung itutuloy ang isang linggong dry run.
Habang hinihintay aniya ang desisyon ng Metro Manila Council ay bukas pa rin naman ang MMDA sa mga suhestyon o pagbabago para mapabilis ang daloy ng trapiko sa EDSA.
“I think we need to do more dry run so that we could justify kasi there’s a wrong conception of the policy eh and we are not promoting alternate routes it’s either pumasok ka ng maaga before 7 diba? or if not kung wala ka talagang kasama then take alternate routes.” Pahayag ni Nebrija
(Balitang Todong Lakas Interview)