Houston Rockets inilampaso ang Boston Celtic sa NBA games

0
45

Naisalba ni James Harden ang Houston Rockets kontra Boston Celtics sa iskor na 115-104 matapos nitong kumamada ng 42 puntos.

Nakagawa si Harden ng anim na 3-pointers sa huling sandali ng fourth quarter at tumipa ito ng mahigit 40 puntos.

Habang nakagawa rin naman ng 32 puntos at walong three pointer si Eric Gordon.

Pinangunahan naman ni Kyrie Irving ang Boston Celtic matapos nitong makagawa ng 24 na puntos at siyam na rebounds.