House Speaker Arroryo ipinababawi lahat ng number ‘8’ plate numbers na inisyu sa Kamara

0
55

Ipinababawi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang lahat ng number 8 protocol plates na inisyu ng mababang kapulungan ng Kongreso.

Ito’y matapos masangkot sa road rage ang isang Toyota FJ Cruiser na may otsong plaka.

Sa sesyon inanunsyo ni House Majority Leader Rolando Andaya ang pagbawi sa lahat ng otsong plaka ng mga kongresista na inisyu nuong 16th Congress.

Samantala, kumikilos na rin ang Highway Patrol Group (HPG) sa pagtukoy sa mga commemorative plates kabilang na ang otsong plaka.

Ayon kay HPG Director Roberto Fajardo, kukumpiskahin nila at iisyuhan ng tiket ang sinomang lalabag sa “illegal plate violation” at magmumulta ng P5,000.

Layon umano ng nasabing hakbang na tulungan ang Kongreso na mabawi ang mga naturang plaka.