Honasan planong dagdagan ang telco players sa bansa

0
51

Plano pang dagdagan ng bagong talagang Information and Communications Technology Secretary na si Gregorio Honasan III ang mga telco player sa bansa.

Ayon kay Honasan, sisikapin niyang magkaroon pa ng ika-apat hanggang ika-limang telco player.

Magugunitang matapos ang mahigit isang taon, pinangalanan ng gobyerno ang Mislatel Consortium bilang ikatlong major player sa telecommunications sector na dominado ng PLDT Inc. at Globe Telecom Inc.

Inaasahang matatapos ng Mislatel ang final requirement nito na pagbabayad ng perfomance bond sa Hulyo, makakuha ng lisensya at frequencies to operate.