Home quarantine inirekomenda ng DOH sa mga mayroong mild cases

0
19

Inirekomenda ng DOH na mag-home quarantine sa halip na sa quarantine facilities magtungo ang mga hinihinalang may sakit o na expose sa COVID-19.

Ayon kay HEALTH ASSISTANT SECRETARY MARIA ROSARIO VERGEIRE, hinihikayat ang mga mild cases na manatili na lamang sa mga tahanan upang maiwasan na mapuno ang mga hospital facilities.

Kasama dito ay ang mayroong mga history of travel sa mga bansang mayroong COVID-19 na mayroong local transmission at mga na – expose o nakasalamuha ng mga nagpositibo sa naturang sakit na nakararamdam ng mild symptoms.

Ngunit ang mga nakararanas naman ng severe o matinding sintomas ng nasabing sakit ay pinapayuhan na magtungo at magpatingin sa mga referral hospitals.

Matatandaang umakyat na sa dalawampu ang kaso ng nag positibo sa COVID-19 sa bansa.