Hiwalay na SAP para sa mga senior citizen iminungkahi

0
19

Umapela sa pamahalaan si Senior Citizen Party-list Representative Francisco Datol para mabigyan ng hiwalay na ayuda ang mga senior citizen sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Ayon kay Datol, ang nangyayari kasi ngayon ay nakikihati pa sa ipinamahaging SAP ang mga senior citizen.

Sa kanilang isinusulong na SAP 2.0, dapat ay mabigyan ng P5,000 na ayuda ang isang senior na sakop ng ECQ at P3,000 naman sa mga nasa GCQ.

Kasama rin umano sa mabibigyan ang mga senior citizen na nakakatanggap ng pensyon.