Hirit na umento sa sahod ng mga guro tinatrabaho na – Palasyo

0
45

Tiniyak ng Malacañang na kumikilos na ang pamahalaan upang mapondohan ang dagdag na sahod para sa mga public school teachers.

Ito’y ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa hirit ng Alliance of Concerned Teachers na karagdagang P10,000 sahod.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Panelo na ang karagdagang sahod para sa mga guro ay aabutin ng kabuuang P150-B.

I think this is important for you to know and to our teachers, I just received from Secreatry Briones coming from the Department of Budget secretary that if you increase P10, 000 for every teacher in this country, it will cost us P150-B. That is why we appeal to our teachers that since this is a hgue amount, medyo, haba-habaan niyo ang pasensya. Talagang maghahanap tayo ng pera para sa inyo.” ani Panelo.

Matatandaang hiniling ng Alliance of Concerned Teachers ang P30, 000 sahod para sa entry-level ng mga pampublikong guro.

Samantala, tiniyak naman ni Panelo na tutukan na rin ng mga economic managers ang pag-pondo sa karagdagang sahod ng mga public school teachers.

Ang sinasabi ko lang, masyadong malaki na kailangan talagang, ‘yung mga economic managers natin ginagawan ng paraan kung saan nila kukunin, saan nila itatransfer ‘yung whatever. Basta, we’re doing something about it. He has not renege on any commitment he has made on the presidential elections. Baka ‘yung, kumbaga, installment. Baka gawing installment. Hindi ko alam kung anong manyayari. But what is certain is that the President really wants to increase the salaries of the teachers.” dagdag pa ni Panelo.