Hirit na furlough ni De lima pinayagan ng Korte

0
42

Pinayagan ng korte si Senadora Leila De Lima na pansamantalang makalabas ng kulungan sa loob ng tatlong oras, bukas, Hunyo 16.

Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, isa sa mga abogado ni De Lima, pinagbigyan ng Quezon City Regional Trial Court at Muntinlupa City RTC Branch ang hiling na furlough ng senadora.

Ito naman ay upang makadalo sa thanksgiving dinner ng kanyang anak na si Vincent Joshua Bohol na nakapasa sa 2018 bar exam.

Makakalabas si De Lima sa kanyang piitan mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 3:00 ng hapon.

Magugunitang, nakulong si De Lima matapos na akusahang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.