Hinihikayat ng CHSO ng Baguio ang pagtangkilik sa mga generic medicines

0
7
photo courtesy of PIO Baguio

Baguio City – In celebration of the Generics Awareness Month, hinikayat ng City Health Services Office ang publiko na tangkilikin ang generic medicines dahil sa kanilang maraming benepisyo.

Sinabi ni City Health Services Office Pharmacist na si Faith Vanessa Kiat-ong sa kanyang pagbibigay diin na ang generic medicines ay abot kaya, epektibo at makinhawa kaya kapaki-pakinabang sa mga mamamayan nahihirapan sa kanilang sakit.

Anya maliban sa nasa mababang halaga at angkahalatang kakayahang magamit, ang generic drugs o gamot ay may kaparehong bisa ng mga kilalang brands.

Kanyang ipinaliwanag na ang generic at branded na gamut ay may kaparehong kaparehong sangkap, komposisyon kung kaya may parehong therapeutic effects o nakakagamot din.

Sinabi ni Kiat-ong na ang hindi aktibo na sangkap, sa kabilang dako, ay walang epekto sa bisa ng gamot. Kanyang idinagdag na ang generic drugs ay ligtas katulad ng kilalang gamot dahil sila ay parehong kinokontrol at aprubado ng Food and Drug Administration (FDA).

Ang panghihikayat na gumamit ng gamot na generic ay kasabay ng pagdiririwang ng Generics Awareness Month ngayong buwan ng Septiyembre na may temang: Generics Para sa Kalidad na Alaga at Ginhawang Abot Kaya.

Bilang paalaala, bumili lamang ng generic drugs sa lehitimong botika o drugstore nabigyan ng lisensiya ng FDA o food and drugs administration. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO-Baguio)

Leave a Reply