Friday, May 10, 2024

Hiling na legislative immunity ng testigo na si Cabading laban sa mga opisyal ng PhilHealth handang ibigay ng Senado

- Advertisement -

Handa ang senado na ipagkaloob ang hinihingi ng testigo na si Alejandro Cabading na mabigyan siya ng legislative immunity.

Ito’y matapos niyang pangalanan ang mga opisyal ng PhilHealth na umano’y miyembro ng mafia o sindikato sa naturang tanggapan.

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, tatalakayin nila ito sa committee of the whole at siya mismo ang magsusulong na bigyan nila ng legislative immunity si Cabading.

Maging si Senate Vicente Sotto III ay tiniyak na aaksyunan nila ang hinihinging immunity ni Cabading.

Una rito, tahasang pinangalan ni Cabading ang miyemrbo umano ng naturang mafia na agad namang pinabulaan ang naturang opisyal ang naturang alegasyon laban sa kanila.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -