Higit P157-M misdeclared goods sinira ng BOC

0
43

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) ang isang luxury vehicle at mga pekeng sigarilyo sa Port Area sa Maynila.

Ayon sa BOC, binuldozer ang isang Ferrari habang pinagsisira at sinunog pa ang ilang mga pekeng imitasyon ng mga sikat na brand ng sigarilyo.

Nagkakahalaga ng mahigit P157-M ang sinirang misdeclared goods na iligal na ipinasok sa bansa.