Higit 70 video karera machines winasak sa Maynila

0
55

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagwasak sa mahigit 70 video karera na nakumpiska ng pulisya sa dalawang araw nilang operasyon.

Ginamitan ni Mayor Isko at Manila Police Chief Brigadier General Vicente Danao Jr. ng maso ang pagwasak sa mga video karera o horse racing video game.

Ayon kay Danao, ang operasyon nila laban sa mga video karera ay bahagi ng pangako ni Mayor Isko na gagawin nyang prayoridad ang pagsupil sa mga illegal na aktibidad sa syudad kabilang na ang illegal gambling.

with report from Aya Yupangco (Patrol 5)