Higit 60 mga kandidato sa darating na halalan kabilang sa ‘narco list’ — PDEA

0
54

Kinumpirma ng PDEA o Phil. Drug Enforcement Agency na 64 na kandidato sa darating na midterm elections ang kasama sa tinatawag na ‘narco-list’ o ang listahan ng mga pulitikong sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, aabot sa 88 pulitiko ang kabilang sa nasabing listahan kung saan, 64 dito ang tumatakbo sa midterm elections.

Paliwanag ni Aquino, masusing pinag aralan ng intelligence field officers ng PDEA at ng Philippine National Police ang nasabing listahan.

Samantala, inamin naman ni Aquino na walang otoridad ang PDEA na ilabas ang nasabing listahan habang patuloy pa rin itong binubusisi ng mga otoridad.