Higit 50 aktibong ‘ninja cops’ nasa listahan ng PDEA

0
15

Mahigit sa 50 aktibong pulis na tinaguriang ‘ninja cops’ ang nasa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang listahan ay nagmula sa — kanilang listahan, sa listahan na galing kay Baguio City Mayor at dating PNP-CIDG Chief Benjamin Magalong at sa Philippine National Police.

Kumbinsido si Aquino na madaragdagan pa ito dahil may mga nakabitin pang impormasyon mula sa ibang ahensya ng gobyerno.

Una rito, nagkasundo ang Senado na isapubliko ang listahan laman ng testimonya ni Magalong hinggil sa ‘ninja cops’ subalit nais nilang magmula ito sa Pangulong Rodrigo Duterte.