Higit 40 katao patay sa air strike sa Libya

0
46

Mahigit 40 katao ang nasawi matapos na tamaan ng air strike ang isang migrant detention center sa Tripoli, Libya.

Bukod sa mga nasawi, 80 iba pa ang sugatan dahil sa pagsabog.

Karamihan sa mga nasawi ay mga African migrants na nagnanais na magbyahe patungong Europa.

Taong 2011 pa nang magsimulang mapuno ng karahasan at kaguluhan ang naturang bansa kasunod ng kamatayan ng long- time runner nitong si Muammar Gaddafi.