Higit 1,2000 LGUs nakatanggap na ng ayuda mula sa DSWD

0
16

Naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit 83% ng cash assistance sa mga naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay DSWD undersecretary Camilo Gudmalin, tinatayang aabot na sa 1,228 local government units (LGUs) ang kanilang napagkalooban ng P67-bilyong pondo sa ilalim ng social amelioration program.

Bukod dito, nakatanggap narin aniya ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan ang tinatayang nasa 282,964 na low income earners na hindi miyembro Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa mga benepisyaryo naman ng 4Ps ay nakatanggap na ang mga ito ng nagkakahalagang P3.7-milyon.