HDO laban kina Jacky CO at 16 iba pa nakatakdang ipalabas – DOJ

0
52

Nakatakdang magpalabas ng Hold Departure Order (HDO) ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga akusado sa pagpuslit ng higit bilyong pisong halaga ng shabu na naharang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Marso.

Ayon kay DOJ acting prosecutor general Richard Fadullon, kainakailangan ang HDO para mapigilan ang mga suspek na makalabas pa ng bansa.

Ito aniya’y matapos na unang mapaulat na isa sa mga suspek ang nakalabas na ng Pilipinas.

Magugunitang pormal nang kinasuhan ng PDEA ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act sina Jacky Co at 16 na iba pang kasamahan nito noong Biyernes.