Hazard pay para sa mga traffic enforcers inihirit ng MMDA

Hazard pay para sa mga traffic enforcers inihirit ng MMDA

by Powered by DWIZ
111 views

Inihirit ng MMDA o Metropolitan Manila Development Authority sa gobyerno na bigyan ng hazard pay ang traffic enforcers.

Ito ay matapos na makitaan ng lead ang blood samples na nakuha sa mga traffic enforcers dahil sa black carbon at heavy metal exposure na nagdudulot naman ng high blood pressure at respiratory problems.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, sumulat na siya sa Office of the President para buhayin ang pagkakaloob ng hazard pay sa mga enforcers.

Sa ngayon ay tumatanggap lamang ng 537 pesos na minimum na sweldo ang mga enforcer o may kabuuang 11,800 pesos kada buwan.

Una nang inihirit sa Kongreso na pagkalooban ng 6,000 hazard pay ang mga traffic constable.

0 comment

Related Posts