Hatol sa mga akusado ng Maguindanao Massacre case hiniling na muling ipagpaliban

0
11

Humirit pa ng extension si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes para makapagbaba ng hatol sa Maguindanao Massacre case.

Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na bahala na ang Korte Suprema na magpasya sa hiling ni Reyes na mabigyan ng isang buwang palugit bago magbaba ng desisyon sa naturang kaso.

Gayunman, tiwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na makakapagpalabas na kaagad ng desisyon si Solis para mabigyan na ng hustisya ang pagpatay sa mga biktima.

Sa November 23 ginugunita ang ika-10 anibersaryo ng nasabing trahedya na ikinasawi ng halos 60 katao.

Mahigit 100 ang akusado sa nasabing krimen na pinangungunahan ni Andal Ampatuan Jr.