Halos 70 guro umatras sa plebesito sa Mindanao

0
57

Halos pitumpung guro ang umatras sa pagsisilbing mga miyembro ng plebiscite committee sa Cotabato City.

Ito, ayon kay COMELEC Regional Director- ARMM Atty. Rey Sumalipao, ay bunsod ng natanggap na banta sa buhay ng mga guro.

Hindi anya nag-report ang mga ito sa anim na barangay kaya’t naantala ang plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

Sa kabila nito, tiniyak na nakatutok naman ang militar at pulisya sa pagbibigay seguridad sa mga guro sa ibang lugar na pagdarausan ng halalan sa Pebrero 6.