Halos 1,000 SD cards nagkaroon ng technical glitch sa mismong araw ng halalan kahapon

0
53

Aabot sa isang libong SD card ang nagkaroon ng technical glitch sa mismong araw ng halalan, kahapon.

Ito’y ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, kung saan nangangahulugan aniya ito na naapektuhan rin ang 400 hanggang 600 VCM o Vote Counting Machines.

Kaugnay nito, aminado naman si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na ang bilang ng SD card na nakaranas ng aberya ay mas mataas ng sampung beses kumpara noong 2016 elections.

Samantala, tiniyak rin naman ni Guazon na masusing pag-aaralan ng COMELEC kung may pananagutan ang supplier ng mga naturang SD cards.