36 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Halaga ng pinsala ng bulkang Taal sa sektor ng agrikultura nadagdagan pa

- Advertisement -

Nadagdagan pa lalo ang halaga ng mga napinsalang produkto bunsod ng patuloy na pag-aalburuto ng bulkang Taal.

Batay sa datos ng Department of Agriculture, aabot na sa kabuuang P3.17B ang naitala nilang pinsala sa sektor ng agrikultura.

Aabot naman sa mahigit 15,700 ektarya ng taniman ang apektado ng abong ibinuga ng bulkan partikular na sa Batangas, Cavite at Laguna.

Kaugnay nito, naglaan na rin ng isang mobile clinic at gamot para sa mga naapektuhang hayop ang Phil. Carabao Center.

Bukod pa ito sa 2 1/2 toneladang mga pakain para sa baka, kalabaw, tupa at kambing gayundin ang isang toneladang mais at 1 1/2 toneladang tangkay ng palay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -