Saturday, May 18, 2024

Halaga ng napinsala ng tagtuyot sa agrikultura umabot na sa P500-M

- Advertisement -

Pumalo na sa limang daang (500) milyong piso ang halaga ng pinsala ng El Niño phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture (DA), nasa apatnapu’t pitong (47) lalawigan na ang apektado ng El Niño phenomenon, kung saan apektado rin naman ang mahigit labing anim na libong (16,000) magsasaka.

Ayon kay Sec. Emmanuel Piñol, plano nilang magsagawa ng cloud seeding ngunit para lamang ito sa mga piling lugar dahil maari maapektuhan ang iba pang pananim.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Piñol na nakatakda silang magbigay ng crop insurance sa mga naapektuhang magsasaka.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -