35 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Gusali ng BOC idineklarang ‘isolated’ na

- Advertisement -

Idineklara ng “isolated” ng BFP o Bureau of Fire Protection ang nasunog na opisina sa gusali ng BOC o Bureau of Customs sa South Harbor Manila.

Ito ay habang nagpapatuloy pa ang kanilang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng nasabing sunog.

Ayon kay Manila City Fire Marshal Senior Supt. Jonas Silvano, kanila munang ipinagbabawal ang pagpasok at pagkuha ng anumang gamit ng mga empleyado maging mga opisyal ng BOC  sa loob ng mga nasunog na opisina.

Sinabi pa ni Silvano, araw-araw din aniyang pinupuntahan ang nasunog na gusali para muling suriin at kumuha ng pahayag mula sa mga testigo at opisyal ng BOC.

Samantala, bumuo naman ng helpdesk o special response team ang boc na siyang nakatututok sa pagsagot sa tanong at iba pang concerns ng mga stakeholders na may transaksyon sa nasunog na gusali ng ahensiya.

Bukod dito, maglalagay din ang BOC ng one stop shop sa isang bakanteng lugar sa gilid ng PUC o Port Users Confederation Office.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -