Saturday, May 4, 2024

Guimbal Mayor Garin tinanggalan ng police power

- Advertisement -

Inalisan na ng kapangyarihan sa lokal na pulisya si Guimbal, Iloilo Mayor Oscar Garin.

Ito ay matapos masangkot si Garin at kanyang anak na si Iloilo 1st District Representative Richard Garin sa insidente ng pambubugbog sa pulis na si PO3 Federico Macaya noong December 26, 2018.

Batay sa ipinalabas na resolusyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) en banc sa pamumuno ni DILG Secretary Eduardo Año, binawi ang ipinagkaloob na deputation authority sa Guimbal Police ni Garin.

Sinabi ni NAPOLCOM vice chairman at executive officer Atty. Rogelio Casurao, nagpakita ng kawalan ng respeto kay Macaya bilang pulis at sa PNP bilang institusyon ang mag-amang Garin.

Malinaw din aniyang, nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan bilang NAPOLCOM deputy si Mayor Garin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img