Guidelines para sa mga taxi, TNVS sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ inilabas ng LTFRB

0
15

Nagpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga taxi at Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ito’y para sa mga lugar na nakapailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified GCQ epektibo ngayong araw, Mayo 16.

Nakasaad sa Memorandum Circular 2020-018 ng LTFRB, kailangang idaan sa online facility o electronic payment ang pagbabayad ng pamasahe upang maiwasan ang pagkakaroon ng physical contact sa mga tsuper nito.

Ibig sabihin, kailangang mayroong internet based applications ang mga tsuper at operator ng taxi’s para sa booking at online payment transactions.

Saklaw ng nasabing kautusan ang lahat ng taxi at TNVS operators na mayroong valet at existing provisional authority o certificate of public convenience (CPC).