Guanzon kakasuhan si Cardema sa paggamit umano niya ng isang emissary

0
50

Kakasuhan ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon si dating National Youth Commission Chief Ronald Cardema dahil sa mga akusasyon nito na may kinalaman sa paggamit umano niya ng isang emissary.

Ani ni Guanzon, balak niyang isampa ang kaso sa susunod na taon dahil maari raw itong i-inhibit ni Cardema.

Dagdag pa ng commissioner dapat matakot si Cardema dahil wala siya kahit abogado na hahawak kung siya ay makasuhan.

Hinamon din ni Guanzon si Cardema na buksan at ipakita nito ang kanyang bankbook at ipapakita naman ng commissioner ang SALN nito.

Matatandaang inakusahan ni Cardema si Guanzon noong nakaraang linggo na gumagamit ng emissary para makakuha ng pera mula sa isang party list.