GSIS pinoproseso ang insurance ng PNP chopper bumagsak sa Laguna

0
26

Pinoproseso na ng  Government Service Insurance System (GSIS)  ang insurance claim ng Philippine National Police (PNP) para sa bumagsak na chopper sa San Pedro, Laguna.

Sakay si PNP Chief Archie Gamboa at pitong iba pa. Ipinabatid ito ni GSIS President at General Manager Rolando Macasaet na tiniyak pa ang pagsalo sa medical expenses ng mga nasaktan at danyos sa ari arian na resulta nang pagbagsak ng nasabing chopper. Ang bumagsak na 429 Twin-Engine helicopter ay sakop ng insurance policy na inisyu ng GSIS sa halagang  P350M.