GSIS pension mas maagang matatanggap

0
29

Matatanggap na simula ngayon ng mga Government Service Insurance System (GSIS) pensioners ang kanilang pensyon.

Mas maaga ito kumpara sa karaniwang petsa ng pagpapalabas ng pensyon na tuwing ika-8 ng buwan.

Ayon kay GSIS President Rolando Ledesma, isa lamang ito sa mga proactive measures ng ahensya upang makatulong sa kanilang mga miyembro na makaagapay sa enhanced community quarantine.